Kadenang Dugo

By 3sha
Punyeta, ba kamo?

Sarili mong anak, punyeta tawag mo?

Dahil ba nahuli nanaman sa pinananaginipan mong tamang oras?

O dahil gusto mong ipakita na mahal mo siya?


Para kang nagpapatawa.

Pero ako, hindi na ako natatawa.

Ang katotohanan, nakakalungkot,

nalululungkot ako sa pagkatao mo.


Wala kang respeto sa iba.

Kung sabagay sarili mong asawa

hindi mo nga nirespeto,

anong pang karapatan ko para hingiin yun sayo.


Tiningalaan ka noong araw,

Inilagay sa pedestal,

Ngunit nang mamulat,

Nagiba ng tuluyan ang mataas mong pinaglagyan



Sayang.

Sayang lang.

Inabot mo na sana ang langit.

Kaso maspinili mo ang imbiyerno.


Sino ka ba?

Sino ka ba para walang hiyain ang nararamdaman ng iba?

Ang dami mo nang nasaktan,

Hanggang ngayon wala ka paring natutunan.


Asan na yung mga kaibigan mo?

Wala nang natira sa kanila.

Magbago ka muna ng ugali

Baka sakaling may pag-asa ka pa.


May mga oras na mahal kita,

Kadalasan lang nga wala ka.

Masmabuti pang hindi kita nakikita,

Mas hinahanap ka pa.


Ang higpit mong itinali

Itong kadenang dugo.

Kailan mo kaya ako papakawalan?

Bukas. Samakalawa. O wag nang umasa pa?
 

0 comments so far.

Something to say?